Pamasahe at kung paano sumakay
Kard ng Hop Fastpass at pambasa nito
Automat de bilete
Mga sign ng bus stop
Sign ng istasyon ng MAX
Maligayang Pagsakay!
Pagpaplano ng iyong biyahe
Ang pagpaplano ng iyong biyahe sa trimet.org upang kumukuha ng pinasadyang itineraryo na mga pagtuturong hakbang-hakbang at totoong-oras na impormasyon ng pagdating. O makipag-ugnayan sa amin sa 503-238-7433 upang kausapin ang isang tagapagplano ng biyahe, 7:30 n.u. hanggang 7:30 n.h. araw-araw.
Pagbabayad ng iyong pasahe
Maaari mong bayaran ang iyong pasahe sa TriMet gamit ang Hop Fastpass, iyong telepono, o pera.
Ang paggamit ng Hop Card: Kumuha ng mapagkargahan na Hop Card mula sa isa sa 500+ na tindahang groserya, mga tindahang kombenyens at mga botika. Magdagdag ng pera sa iyong kard sa tindahan o sa Hop website, app o hotline ng telepono.Tapikin ang luntiang Hop na magbabasa sa himpilan ng tren o pagsumakay sa bus sa bawat pagsakay o paglipat.
Ang paggamit ng iyong telepono: Bumili kaagad ng pamasaheng pang-Adulto sa pamamagitan ng pagtapik ng iyong telepono sa luntiang Hop na magbabasa gamit ang Apple Pay, Google Pay o Samsung Pay. O, i-download ang Hop app at kumuha ng birtuwal na Hop Card upang bumili ng pamasahe na Pang-adulto, Pinarangalan na Mamamayan o Kabataan at makakakuha ng buwanang pases habang ikaw ay sumasakay.
Paggamit ng Hop na mga tiket: Ang 2½-oras at 1-araw na Hop na mga tiket ay makukuha mula sa mga makinang tiketan sa mga himpilan ng MAX at WES. Ang Hop na mga tiket ay kailangan itatapik sa luntiang Hop na magbabasa sa bawat panahon na ikaw ay sumakay o lumipat.
Pera: 2½- Tiket sa Oras o Maaaring mabili ang 1-Day Pass sa sakay ng bus gamit ang pera (eksaktong sukli lamang).
Pagtapik at kumita ng mga pases
Kung ikaw ay magbabayad sa Hop Card o sa iyong telepono, kailangan mong tapikin ang luntiang Hop na magbabasa upang patunayan ang iyong pamasahe sa bawat panahon na ikaw ay sumakay o lumipat. Ikaw ay hindi pagbabayarin sa tuwing ikaw ay magtapik. Sa unang pagtapik, ikaw ay pagbabayarin ng isang 2½-oras na pamasahe. Kung ikaw ay magtapik uli pagkatapos niyan, ikaw ay pagbabayarin uli at ang iyong pamasahe ay magiging balido sa buong araw ng serbisyo (ikaw ay kumita ng isang araw na pases). Kung ikaw ay gumagamit ng Hop Card o isang birtuwal na Hop Card sa iyong telepono, ikaw ay makakakuha rin ng buwanang pases habang ikaw ay sumasakay. Matuto ng karagdagan at alamin kung saan kumuha ng kard sa myhopcard.com.
Palagihin handa ang iyong pamasahe o ang iyong telepono bilang patunay ng iyong bayad upang maiwasan ang multa na hanggang $250 o ang pagbubukod mula sa sistema ng transit.
Pamasahe
May bisa para sa TriMet na mga bus, MAX Light Rail, WES Commuter Rail, Portland Streetcar at mga serbisyo ng C-TRAN (maliban sa C-TRAN Express).
2½-Oras na Tiket | Kumita ng pases (libreng sakay) matapos gumastos | ||
---|---|---|---|
Isang araw na Pases | Buwanang Pases | ||
Nasa Hustong Gulang Edad 18‒64 |
$2.80 | $5.60 | $100 |
Pinarangalang Mamamayan at Kabataan Edad 7‒17, mataas na paaralan/GED, 65+ Medicare o May kapansanan |
$1.40 | $2.80 | $28 |
Kabataan: Edad 7–17 at mga mag-aaral sa mataas na paaralan o nagpapatuloy sa GED (pruweba ng pagiging karapat-dapat ay kailangan para sa mga edad na 15–17 at hayiskol/GED, mga detalye at trimet.org/youth). Pinarangalang Mamamayan: Mababang-kita, 65+, Medicare o kapansanan (pruweba ng pagiging karapat-dapat, mga detalye at trimet.org/honored). |
Pagsakay sa bus o tren
Sa sakayan ng bus: Dumating sa sakayan nang mas maaga ng ilang minuto at maghintay sa bangketa kung saan matatanaw ka ng operator. Tiyakin na nakahanda na ang iyong pamasahe bago sumakay. Huwag tatawid kailanman sa kalye sa harap ng bus maliban kung ito ay nakahinto sa pulang ilaw.
Sa istasyon ng MAX/WES: May mga karatula sa istasyon na nagpapakita kung saan maaring maghintay o kung anong oras darating ang susunod na tren. Hintayin ang tren sa likod ng puting maumbok na guhit sa sahig. Huminto at lumingon sa magkabilang panig bago tumawid, gamitin lamang ang mga nakatalagang tawiran.
Madaling Sumakay
Lahat na sasakyan ng Trimet ay nilagyan ng rampa para sa mga sumasakay na gumagamit ng kagamitan para sa madaling pagkilos.
May nakita? May sasabihin
Kapag may nakita kang kahina-hinalang kilos o bagay, sabihin sa empleyado ngTrimet o tumawag o mag text 911.
Bawal manigarilyo
Ipinagbabawal ang paninigarilyo ng kahit ano sa loob ng bus o tren o sa lugar ng Trimet, kabilang ang mga silungan.
Salamat sa pagsakay sa TriMet!
Ang impormasyong ito ay magagamit sa iba pang format para sa mga taong may kapansanan. Tumawag sa 503-238-7433 o TTY 711.
Iginagalang ng TriMet ang Mga Karapatang Sibil / Pamamaraan sa Pagrereklamo ng Title VI PDF